Meycauayan: May unang kaso na ng positibo sa COVID 19
Pinabatid sa atin ng Department of Health (DOH) kanina na ang isang pasyenteng binawian na ng buhay noong Marso 22, 2020 ay natuklasang positibo sa Covid 19, nang lumabas ang resulta ng kaniyang confirmatory exam. Siya ang natalang unang (1) Kumpirmadong Kaso ng Covid 19 sa ating lungsod dahil may bahay siya rito, at dito ang kaniyang address bagama’t lumalagi na ito sa kaniyang bahay sa Maynila. Pinaabot ni Dr. Abe Bordador, City Health Officer (CHO) ng Meycauayan, na kasalukuyan na silang nagsasagawa ng contact tracing sa mga maaaring nakasalamuha ng nasabing pasyente. Sa CoViD-19 Surveillance Report ng CHO nitong Marso, 24, 2020, 4:00 pm: Patients Under Investigation (PUIs) Total no. of PUIs: 23 No. of Cleared PUI: 4 No. of Current PUI: 19 No. of New PUI: 2 Awaiting Confirmatory Test: 1 Persons under Monitoring (PUMs) Total no. of PUM: 109 No. of Cleared PUM: 25 No. of Current PUM: 84 No. of New PUM: 7 May itinalaga nang command center para sa monitoring ng PUMs